P U F F M A F I A


Blog For Free!


Archives
Home
2003 December
2003 November

tBlog
My Profile
Send tMail
My tFriends
My Images


Sponsored
Blog



CRYING LADIES...CRYING NANI
12.30.03 (10:27 pm)   [edit]
[image]puffmafia_83355033 8.gif[/image]

Hay.. natapos na naman ang araw ko.. pero ibang klase rin ang nangyari sakin kanina..

Nanuod kasi ako ng CRYING LADIES.. sobrang na intriga ko sa pelikulang ito.. pero nung una pa lang, alam ko na na maganda ang pelikula dahil tila kakaiba ang istorya.

Pagod na kong manuod ng mga pelikulang bibilugin lang ang ulo mo. At kung minsan, magpapaiyak nga pero hindi naman natural na lumalabas. As Wawel said, yung tipong alam mo na mina-manipulate ka?? Sukang-suka na rin akong makapanuod ng pelikulang alam mong photocopy ng hollywood at alam mo na rin ang kahahantungan ng istorya. Ang panget talaga! So ayun.. dumating ako sa SM West nang 11:45am. Tiningnan ko kung anong oras magsisimula ang CRYING LADIES… nakalagay, 1pm. Ay pucha!! Ang pera ko na lang sa pitaka ay sapat lang para makapanuod ng isang pelikula at makauwi ng Bulacan.. Buti na lang at naka-pag tabi ako ng pastilyas at tortillas na dinugas ko kay Genghis pamatid-gutom at tanghalian na rin. Solb na ko! “Ang tagal mag ala una! Tulog muna ko.”[we can see a clock that reads 11:50am CROSS DISSOLVE TO 12:45] “Ay!! Malapit na mag ala una! Pila na ko para makabili ng ticket.” “Hay! Nakapasok na rin.. Teka.. bat parang wala mashadong tao? Di bale..” Umupo ako sa bandang harapan.. at habang tinititigan ko ang tabing, naalala ko yung scene sa Cinema paradiso.. yung bandang ending??? Nways, inimagine ko kung ako yung nasa situation nung actor sa Cinema paradiso.. Pucha!! Di ko alam, tumulo na lang yung luha ko! ASTIG!! Kaya mo pa la na umiyak nang nag iisip lang ng isang bagay out of nowhere!? So ayun! Start na ng movie.. di ko na I ku kwento yung buong details para di ma spoil.. basta nung start pa lang, as in nung OBB pa lang, panalo na!! nakakatuwa sha! At ok ang performance ng mga artista… hindi overkill ang acting.. kasi diba usually pag comedy, medyo pinu-push yung acting para makapagpatawa?? Pero this one is different. Even the dialogues, more or less, mas natural ang dating.. hindi yung parang nasa “play”. Ang daming scenes na naiyak ako.. siguro kasi nagpadala ko sa istorya, at tine-test ko na rin ang acting skills ko pag dating sa pag iyak! Bwahahaha!!! No kidding! Parang gusto ko talaga mag artista! Kahapon nga, kinausap ko si genghis, sabi ko magpa VTR kami sa mga ad agencies e. ok lang naman siguro. Kahit mukha pa kong adik, at si genghis ay mukhang gigolo, malay natin?? Matagal na pala nilang hinahanap ang mukha namen! Hehehe!! At kung hindi makuha, ok lang din!! Parang ayos nga yung feeling ng mare-reject ako e! yung madidis appoint ako?! Para pag kailangan kong maiyak, may paghuhugutan akong experience! Haha! Galing di ba?! Parang di na nga ako natatakot e. mas masarap ang buhay ngayon kaysa dati. Kasi malaya ang kaisipan mo… yung tipong masaya ka habang inaabot mo yung pangarap mo? Kahit madapa ka, ayus lang.. di naman mag ka count yung pagkadapa mo e.. ang mahalaga ay kung ilang beses ka bumangon.. kasi kung di ka bumangon?? Edi hanggang dun ka na lang at di mo na mapupuntahan ang gusto mong marating.. at least, pag bumangon ka, tinuloy mo pa rin ang pag abot sa pangarap mo. Hehe! Ay!!!! DAMN!!! Nawala ako sa crying ladies, nways, back to the movie.. Wala na nga ata ko mapintas dun sa pelikula e.. except for some dialogues na hindi naka- sync.. pero astig pa rin. Walang kaso dun pre!.. wala namang perpekto e.. cinematography? Superb! Ang ganda talaga! Colors and all! Ang galing din ng motion control.. ginamit para mas maging effective ang scene.. hindi para ipagmayabang na.. ohhh!!! Mayaman kame!!! May shot kaming naka MOCON!!! Hehe!! Pagdating sa sound, panalo rin.. surround e! ewan ko ba sa mga lokoloko sa MMFF bat di sila nanalo. Kung sa bagay.. yung karamihan sa mga judges naman ay walang credibility pagdating sa pag critique ng pelikula.. yung editing, panalo rin! Yung sountrack, ang ganda! Walang biro to ha? Ano pa ba?? Ah!! Shempre! Yung acting ni sharon! Talagang ibang sharon cuneta meron ang pelikulang to! Dito ko lang nakita ang dark side ni sharon! Hehe! Mandurugas! Sugarol! Nagyoyosi! Nagmumura ng PUTANG INA…(kase yung dati nyang mga movies kung di tarantado…., gago…, ulol…, punyeta lang ang sinasabi e. At talagang nakakatawa. Galing! Pero may mga touch yung story na tutusukin yung puso mo.. kaya nga naiyak ako ng mga 8 times eh. Ewan ko,.. or baka over acting lang ako.. may mga social commentary rin tungkol sa katiwalian (alam mo na.. yung mga lagay-lagay sa mga pulis pag nahuli ka sa trapik!) pero light yung treatment.. nakakatuwa rin pala kasi ang daming pamilyar na mukha na nakita ko dun sa movie! Sina Jamby, Marianne, at yung isa pang film student na sa mukha ko lang kilala. Pati si Timmy! Extra rin! Hehe! Hay.. dapat siguro talaga, di ako tumigil mangarap.. mangarap! Nang mangarap! Masaya ang buhay! Parang pelikula..

hay.. di ko na alam kung san pupunta tong pinagsasasabi ko. Pero isa lang ang masasabi ko.. ang CRYING LADIES ay ang pelikulang pilipino na nagustuhan ko after 4 years nang pagkasuka sa mga mainstream films ng pinoy.. isa lang ang totoo.. na may pag-asa pa ring itaas ang “kalidad” (yung totoong “kalidad” ha? Hindi yung mga sinabi lang ni butch francisco o ni john pratts).. ng pelikulang pilipino.

 
Waah!! (ni tere)
11.14.03 (8:29 am)   [edit]
[image]puffmafia_11205708 61.jpg[/image]

lahat tayo ay hinahabol...

(Matrix-camera style)


=====
///sakurazukamori! shinya


 
FOR SHERYLL...
11.14.03 (8:23 am)   [edit]
I buried myself in a grave

It was damp and cold, exactly as I envisioned it

Red petals of roses scattered waiting to embrace my body

I lay on the bed of roses and wondered what I should be doing

It still confuses me whether I’m dead or alive

Though reason tells me that I am already dead

If this is not truth, then I must have been lying before my own grave

I am dead and the feeling is new to me.

So this is how it feels when the world no longer exists for me

I do feel that the world has ceased to exist

That the moment I buried myself, the earth stopped breathing

Every life was buried and I dig all grave



Now, it’s time for me to rest

Is there another life after this?

Maybe I will be punished and be born again in this cruel world

Or maybe there is another place in the universe where I can live

Maybe it is more beautiful than our Earth

If time permits that I will find it

I'll call it HEAVEN, and it will be mine

Then, I'll think about the dead Earth

And the lives of those I've buried

Will they too rose to life?

Will i let them enter my heaven?



I am only dreaming

And nobody answers a question in a dream

Then, it occurs to me that I should wake up

But still, nobody wakes up in a good dream.




sheilarouge
:D
 
"SAMA NG LOOB" ni mahran810
11.13.03 (9:49 am)   [edit]
[image]puffmafia_11408692 7.jpg[/image]

Part 1

HIndi mo ginusto 'to. Pero sa sarili ay may nangyayaring gulo. Walang nakakaalam, walang nakakarinig.Ayaw mong humingi ng tulong dahil alam mong wala ring makakatulong sayo. Isa ito sa mga mapaklang katotohanan sa buhay. Maaaring ngayon lang ito nangyari, pero alam mong maaari itong mangyari ulit, Kahit kailan, kahit saan, kahit kanino.

Alam ba ng mga kamag-aral ko? HIndi siguro, dahil taimtim silang nagsusulat ng pangalan nila sa papel nang paulit-ulit. Alam ba ng katabi ko? Hindi siguro, Dahil seryosongseryoso ito sa pagkukulay ng mga iginuhit nyang bahay, araw at puno. Alam ba ni Madam? Hindi din siguro, dahil abala ito sa pagbabantay sa iba mo pang mga kamag-aral. Walang nakakaalam ng kalagayan mo, ng paghihirap mo ngayon.

Hindi mo na kaya ang lahat, ayaw mo ng mag-isip, nais mo ng tapusin ang dusa at pasakit. HIndi mo na alintana kung kutyain ka ng kahit na sino man, tumigil lang ang pagtulo ng mga malalamig na butil ng pawis sa iyong katawan. At naisip mong... ngayon na! Bigla mong inilabas ang sama ng loob. ang demonyo sa iyong bituka. Ang walang hiyang pagkain na nagpupumiglas sa kaloob-looban mo. Lumipas ang ilang sandali. At doon nakahinga ka nang malalim, nang matiwasay. Tumigil na ang unos, payapa na ang kapaligiran. Ginusto mong ngumiti ngunit may nagbanta sa kasiyahan...

SAMA NG LOOB
Part 2

"Ambaho, ano ba yan?!"

Isang kamag-aral ang nangahas na nagsabi ng katotohanan. Hindi mo alam kung sino, pero ninais mo siyang isumpa. Siya at ang kanyang malaking bunganga. Gusto mo siyang pagbayarin sa ginawa niyang kasalanan ngunit meron nanamang humirit.

"May mabaho nga!"

Huh?? Totoo ba ang narinig mo? Hindi lang isa ang traydor. sa mga kaklase mo. May isa pa, at isa pa, at isa pa.. dumarami sila. HIndi mo na alam ang gagawin mo. BAkit kailangang mangyari ang ganitong trahedya sa isang bata?

"Okay! Stand up, everybody. We shall dance ang sing!"

Hindi sila pinansin ni teacher, ligtas ka na, pero ano 'tong gusto niyang ipagawa? Paano ka tatayo? Paano mo ipagtatapat ang lahat? Umikot ang iyong mga mata, pumihit ang iyong ulo, pero wala sa paningin mo ang nanay mo, o si ate't kuya, kanino ka hihingi ng saklolo?

Litong-lito ka na ng mapansin mong lahat ng kamag-aral mo ay nakatingin na sayo. Pati si teacher. Ikaw na lang ang nakaupo. Lahat naghihintay na sa iyong pagtayo, mga matang nakatitig sa iyong mga mata. Tahimik ang buong klase, tibok ng puso mo lamang ang tanging naririnig mo. Hindi mo na alam kung ano pa meron ang buhay. Ayaw mo na sana gumalaw, ngunit tinapos ng isang bata ang kalbaryo mo nang basagin nya ang katahimikan.

"Ay, teacher, tumae s'ya!!!"

Wala ka na ulit naalala..


Hehehe..= )
-mula sa kakatwang libro ni BOB ONG..ABNKKBSNPLKo?!
 
Something To Inspire Us All
11.05.03 (9:30 am)   [edit]
[image]puffmafia_98535079 3.jpg[/image]

ELEVENTH HOURS
By Andrew Matthews,
Author, BEING HAPPY!

Have you ever noticed in life that things can look really bleak just before a dramatic turn for the better? The businessman reports that just before he made his fortune, he was about to quit. He was up the creek without a paddle when, suddenly, everything began to fall into place. He hung in there just long enough to reap his rewards.

We read about the sporting champion who was down and out and couldn’t win a match. On the verge of giving in, he stayed just long enough to turn his career around and reap the glory.

Perhaps you have had the experience, when wondering if life was worth all the effort, you met somebody who lifted you into the clouds.

Life is like that because there is a principle at work here – the “eleventh hour” principle. It is always darkest and coldest just before dawn. But if we hang on long enough, we will get our rewards.

If we look at childbirth we see the principle in evidence also. Just before the most incredible gift of life, the mother-to-be has her patience truly tested and undergoes considerable pain and anguish.

Once we recognize the eleventh hour for what it is, life loses a lot of its trauma. In effect, the universe often seems to be testing us to see if we are serious about attaining our goal. If we hang on that little bit longer…Bingo!

Once we realize what is happening, we can actually be one step ahead. When everything looks bleak, we can then tell ourselves, “So everything is going wrong! This could mean that everything that I have been striving for is just around the corner.” Then we should feel better.

We will generally be tested in some way before achieving something of value. If we can pick the eleventh hour for what it is, and treat any difficulties as a necessary part of the process of achievement, then, firstly we won’t be quitters, and secondly, we will achieve whatever we desire in life.

IN A NUTSHELL…

Don’t be fooled. The eleventh hour is usually an impostor. When everything looks black, it could be time to celebrate. You may be nearly home.

:wink: